dahil siguro magaling kaming magtanong, makinig, at mag-analyze.
But we're not PR specialists or sales executives which, more or less, involve persuasion, selling, campaigning, among others.
Bakit ko ba naisip ito?
Bago nag-RnR sa Laguna hot springs (blog on this to follow!) about two weeks ago, nalaman ko na meditation session pala ang gustong i-promote ng mga nasa nakatataas (i.e., the VP and the HR).
Pero anong nangyari? Dahil naniniwala kami sa democracy, nag-offer ng isa pang activity para may mapag-pilian ang mga tao.
Ang second option? Hot springs.
Hot springs!
What do you expect people will choose?
Anyway, moving on...
Ngayon, theme naman ng christmas party ang pinag-pipilian.
Ang mga bagong staffs ang bumubuo ng Mas-Mas Committee, at sa tuwing christmas season, itong ang pinaka-makapangyarihang kumite.
In short, ito lang ang kaisa-isang pagkakataon na sunud-sunuran kaming lahat sa gustong mangyari ng mga baguhang staffs. Sabi nga noon ni Papa Bear, "Make it good, guys, this is the only time you could make us do anything."
Pero democratic process pa rin syempre -- kailangang may botohan.
Ang Mas-Mas Comm ay may pet and preferred theme: "MTV Becoming".
Personally, I think it's an awesome theme, at suportado ko sila sa ideya nilang iyon.
At mukhang okay rin ang mga lumalabas na other options: red carpet, masquerade, and others that are of similar complexity, difficulty, and challenge-factor.
But when the routing slip came to me, I died...
Someone placed "Sporty" as one of the options, and it's getting most of the freakin' votes.
Okay na yung iba options: Anime, Masquerade, Arabian Nights, and Animal Costume, eh. But... Sporty?
Oh well.
As I said, we're not very good at selling or promoting an idea.
Pero dahil personally ay hindi ako sold sa ideya na Sporty ang mananalong theme, gumawa ako ng maliit na campaign para sa aking napipisil na theme (see flyer below).
Good luck na lang. ^^ Balita ko puspusan din ang kampanya ng Field para sa "Arabian Nights".