Tuesday, December 07, 2004

sound proof

wala na akong marinig...

kundi ang winamp ko,
o yung tv na binubuksan sa tanghali,
o kung slamdunk na,
o kapag may interview si papa bear,
o si vlad, o si jay.

wala na rin akong makita...

kundi ang asul na pader,
ang wallpaper kong anime,
ang mga papeles na dumadami na naman,
ang mga abubot na hindi sa akin,
ang paligid ko na unti-unting nagiging imbakan.

malakas ba masyado ang winamp ko?
mataas ba masyado ang cubicle ko?
may mga tao pa kaya sa kabilang panig nito?
may pagkain kaya sa white table?
may sinabi na naman kaya si lynn?

wala na akong marinig...
wala na akong makita...

No comments: