Wednesday, January 12, 2005

conversations (part 1)

me: hello hello hello!

my cubicle: hi! how's vacation? ang tagal mo ring nawala, 'no? na-miss ko tuloy na nagtatago ka sa likod ko kapag dumadaan si mrs. g para mangolekta ng bowling sheet.

my computer: hoy!!! dumating ka rin. pwede ba, tigilan mo na attempts mo na maglaro ng ragnarok sa akin, eh alam mo namang walang kwenta internet connection dito! at nung ma-frustrate ka sa ragnarok, nag-blades and swords ka naman. panay tuloy hang ko dahil sa laki ng game na in-install mo, hayup ka!

my chair: anak ng... lumamon ka na naman sa inyo 'no? bigat mo na!

me: miss you, too, guys. happy new year!

No comments: